LTO at Tagaytay LGU, nagkasundo sa single ticketing system

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkasundo ang Land Transportation Office (LTO) at ang pamahalaang Lungsod ng Tagaytay para sa interconnectivity ng Traffic Enforcement Unit sa online system ng ahensya.

Isang Memorandum of Agreement (MOA) ang nilagdaan nina LTO Chief Vigor Mendoza II at Tagaytay City Mayor Abraham Tolentino ukol dito.

Paliwanag ni Mendoza, na ang LTO-LGU Interconnectivity System ay hahantong sa streamlining ng operasyon sa pagitan ng dalawang ahensya sa usapin ng Single Ticketing System.

Sa panig ni Mayor Tolentino, ang pagtutulungan ay mahalaga para sa disiplina sa kalsada at pagpapahusay ng kaligtasan ng publiko sa buong Lungsod. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us