Ipinagmalaki ng Land Transportation Office-Calabarzon na umabot sa P49,819,565 ang kanilang apprehension revenue hanggang Hulyo 2024.
Ito ay lumampas ng 171.22 % sa kanilang target na P18,366,649.31.
Bilang karagdagan, kumita din ng P332,136,885.83 ang motor vehicle registration na umabot ng P332,136,885.83, na lampas ng 18.47% mula sa target na P280,362,453.90.
Bukod dito, nakitaan din ng pag taas ang license revenue na umabot ng P51,614,465 at nalampasan ang target na P35,773,506.48 ng 3.05%.
Ang malakas na kontribusyon na ito ay nag-ambag sa kabuuang kita na P441,349,793.95 para sa buwan, na binibigyang-diin ang matatag na mga kita sa lahat ng revenue streams. | ulat ni Rey Ferrer