Mahigit ₱8-M halaga ng iligal na droga, nasabat sa ikinasang operasyon ng PNP Drug Enforcement Agency sa Pasay at Parañaque

Facebook
Twitter
LinkedIn

Arestado ng pinagsanib na puwersa ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG), Philippine Drug Enforceme Agency (PDEA) at Southern Police District (SPD) ang tatlong Chinese national sa ikinasang operasyon sa Pasay City at Parañaque City kagabi.

Ayon kay PDEG Director, Police Brig. Gen. Eleazar Matta, nagresulta ito sa 546 gramo ng hinihinalang shabu, 643 gramo ng Amphetamine Hydrochloride o liquid shabu, at 114 gramo ng Ketamine na nagkakahalaga ng ₱7.6-milyong piso.

Isang Chinese ang naaresto sa Pasay City habang ang dalawa naman ay naaresto sa isinagawang follow up operations sa Parañaque City.

Nasabat naman sa mga ito ang nasa 100 gramo ng ketamine na nagkakahalaga ng ₱500, 000.

Ayon kay Matta, posibleng miyembro ng isang drug syndicate ang tatlong naarestong suspek.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEG NCR sa Kampo Bagong Diwa sa Taguig City ang mga naaresto at nahaharap sa kasong may kinalaman sa iligal na droga. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us