Mandaluyong LGU, naglabas ng hotline para sa MPOX

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas ng anunsyo ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong kaugnay sa mga dapat gawin ngayong may banta ng mokeypox o MPOX sa bansa.

Muling ipinaalala ng Mandaluyong LGU sa publiko na ang mpox ay nakahawa kaya dapat maging maingat ang publiko upang maiwasan ang pagkalat nito.

Kabilang sa mga sintomas ng MPOX ay ang: Lagnat, pananakit ng ulo, pananakit ng katawan, pagpapantal sa iba’t ibang bahagi ng katawan at iba pa.

Kabilang naman sa mga maaaring gawin kapag positibo o nahawa sa mpox ay: Mag-isolate at iwasan ang physical contact sa ibang tao; Huwag hawakan o kamutin ang mga pantal; Magsuot ng long sleeves, pantalon at face mask; at mag-sanitize ng mga kamay.

Ayon sa Mandaluyong LGU, kung mayroong nakararanas ng mga nasabing sintomas, agad na makipag-ugnayan sa Mandaluyong City Epidemiology and Surveillance Unit-City Helpline sa mga numerong 0963-164-6410 o 0917-186-2632. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us