May tig-isang fire truck na ang lahat ng Barangay sa Valenzuela City.
Kahapon, pormal nang itinurn-over ang mga fire truck sa tatlumput tatlong (33) Barangay sa lungsod.
Ang bigay na mga fire trucks ay inisyatiba ng Office ni Senator Win Gatchalian at bawat isa ay nagkakahalaga ng ₱2,899,800 para sa kabuuang ₱95,693,400.
Naka-disenyo ang mga truck na kayang makapag-navigate sa mga makikitid na kalsada.
Bukod sa may 1,000-liter capacity water tank ang fire truck may modernong portable fire pump din ito, multi-functional warning blinker, at iba pang features.
Makakatuwang na ng mga fire trucks na ito ang kasalukuyang force multipliers sa lungsod na Bantay Sunog, na layong gawing fire-resistant city ang lungsod ng Valenzuela mula sa pagiging fire-prone city. | ulat ni Rey Ferrer