Kasado na ngayong araw ang Plebisito sa Barangay 176 o Bagong Silang sa Kalookan City.
May 85,846 registered voters ang nasabing barangay mula sa 261,729 populasyon ang inaasahang boboto sa kani-kanilang presinto.
Ang kabuuang registered voters ay kumakatawan sa 15.75% ng buong populasyon ng Lungsod Kalookan
Pagbobotohan ang “Yes or No” sa Plebisito para sa paghahati-hati ng nasabing barangay.
Sa sandaling manaig ang Yes Vote mahahati na sa anim na barangay ang Bagong Silang na tatawaging – Brgy. 176-A; Brgy. 176-B; Brgy. 176-C; Brgy. 176-D; Brgy. 176-E; at Brgy. 176-F.
Kaugnay nito, nanawagan ang lokal na pamahalaan sa mga residente na makiisa sa botohan ngayong araw. | ulat ni Rey Ferrer