Mga senior citizen, PWDs, at mga buntis, maaari ng bumoto ng mas maaga sa 2025 Midterm Elections –COMELEC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maaari ng bumoto sa mas maagang oras ang mga senior citizen, persons with disabilities (PWDs) at mga buntis sa mismong araw ng 2025 Midterm Elections na gaganapin sa May 12, 2025.

Ito ang naging pahayag ni Commission on Elections Chairperson George Erwin Garcia sa naging pagbisita nito sa siyudad ng Dagupan kahapon upang personal na pangunahan ang kauna-unahang Voters Education and Registration Fair sa Ilocos Region na ginanap sa Lyceum Northwestern University.

Ayon kay Garcia simula alas singko hanggang alas syite ng umaga ay bibigyang prioridad ang nasabing indibidwal para makaboto.

Aniya makakaboto sila ng hindi nasasagi at hindi maiinitan dahil malamig ang panahon sa nasabing mga oras.

Pinapayagan din ang mga itong may kasama sa pagboto.

Paglilinaw ni Garcia, bagamat bibigyan ang mga ito ng prioridad sa mas maagang pagboto ay maaari pa rin silang sa regular na oras na itinakda ng COMELEC.

Dagdag pa ng opisyal na inaayos ng mga ito na magkakaroon din ng mall voting kung saan posibleng bumoto ang isang indibidwal na nakatira malapit sa mall, at maging ang pagkakaroon ng online voting para sa mga overseas filipinos upang hindi na tumungo pa sa mga embahada.

Inilahad din ng opisyal na kabuuang 110,000 auntomated counting machines ang gagamitin sa 104,000 na precinnts sa buong bansa. Anim na libo (6,000) dito ang magsisisllbing contingency units . | ulat ni Verna Beltran

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us