Maasahan na magkakaroon pa ng mga susunod na Multilateral Maritime Cooperative Activity (MMCA) sa West Philippine Sea sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines at mga kaalyadong pwersa.
Ito ang inihayag ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad kasunod ng matagumpay na 2-araw na MMCA sa pagitan ng Australia, Canada, Pilipinas at Estados Unidos na nagtapos kahapon.
Ayon kay Trinidad, hindi niya lang masabi kung aling mga bansa pa ang susunod na makakasama sa MMCA, pero pero prioridad ang paghikayat sa international community ng mga “like-minded nations”.
Binigyang diin naman ni Trinidad na ang MMCA ay hindi Show of Force laban sa alinmang partikular na bansa, kundi “show of commitment” sa international Law sa lahat ng bansa.
Kaugnay naman ng negatibong pagtanggap ng China sa MMCA, sinabi ni Trinidad na iyon ay sarili nilang “narrative”, pero sila ang gumagawa ng illegal, coercive, agressive and deceptive action na lumilikha ng kaguluhan sa West Phil. Sea at buong China Sea. | ulat ni Leo Sarne
📷 Photo by PFC Carmelotes/PAOAFP