Kinumpirma ng Philippine Navy na nananatili ang monstership ng Chinese Coast Guard sa Sabina Shoal sa West Philippine Sea na saklaw ng munisipyo ng Kalayaan, Palawan.
Ayon kay Phil. Navy Spokesperson for the WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad , simula noong July 30 hanggang kaninang umaga nananatili sa Sabina Shoal ang monstership.
Mayroon din aniyang barko na dineploy ang Pilipinas sa Sabina Shoal para alamin kung natural o man-made ang napaulat na tambak ng patay na coral sa lugar.
Sinabi ni Trinidad na sa ngayon ay binabantayan ng monstership at ng barko ng Pilipinas ang isa’t isa.
Samantala, namomitor din ng Navy sa distansiyang 20 nautical miles mula sa Sabina Shoal, ang Chinese research vessel na nagsagawa ng survey sa Philippine Rise noong 2018. | ulat ni Leo Sarne