Patuloy pa rin ang pamamahagi ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga komunidad na naapektuhan ng oil spill sa Bataan.
Ayon sa DSWD, umabot na sa ₱22-million ang naipaabot nitong humanitarian assistance sa mga apektado.
Karamihan sa mga ito ay family food packs na naipamahagi sa mga apektadong pamilya sa Bataan at Cavite.
Samantala, as of August 10 ay umakyat pa sa 44,000 na pamilya o katumbas ng 167,857 na indibidwal ang apektado ng oil spill mula sa lumubog na MT Terra Nova oil tanker sa Limay, Bataan. | ulat ni Merry Ann Bastasa