Nananatiling nakalagay sa maintenance position ang navigational gate sa Malabon-Navotas River habang nararanasan ang high tide.
Bukod dito, naikabit na rin ang bagong link arm ng flood gate at inaasahang pakikinabangan na ito ng matagal na panahon.
Sa ngayon, sinabi ni Mayor Jeannie Sandoval na nagpapatuloy pa ang isinasagawang dredging at pagkumpuni sa flood gate.
Ganap na ring naaayos at balik na sa normal na operasyon ang isa pang nasirang floodgate sa Barangay Dampalit sa tulong ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Dahil sa patuloy na pag-ulan at banta ng mga pagbaha, nagbukas na ng 64 evacuation center ang pamahalaang lungsod bilang paghahanda sa anumang paglilikas ng mga residente.
Ngayong hapon nakataas sa Yellow Warning Level ang Metro Manila kabilang ang Lungsod ng Navotas, at inaasahan pa ang malalakas na pag ulan. | ulat ni Rey Ferrer