Nag abiso na ang National Electrification Administration sa lahat ng Electric Cooperatives na maging handa sa paparating na Low Pressure Area at Habagat.
Pinayuhan ng NEA Disaster Risk Reduction and Management Department ang mga ECs na magpatupad ng contingency measures bago pa makapaminsala ang sama ng panahon.
Batay sa monitoring ng PAGASA, ang Low Pressure Area ay namataan sa layong 1,155 kilometro sa Silangan-Hilagang Silangan ng Extreme Northern Luzon kaninang madaling araw.
Habang ang Southwest Monsoon o Habagat ay nakakaapekto na sa Palawan, Visayas, at Mindanao.
Ang mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, Palawan, Western Visayas, Negros Island Region, at Central Visayas ay nakakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag ulan dulot ng Habagat
Kabilang din ang Metro Manila at iba pang lugar sa Luzon ang makakaranas din ng mga pag ulan. | ulat ni Rey Ferrer