Iniulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na umabot sa 1,367 ang bilang ng mga miyembro at suporter ng New People’s Army (NPA) na nutralisa mula Enero 1 hanggang Agosto 8 ng taong kasalukuyan.
Sa Kapihan sa Bagong Pilipinas, sinabi ni AFP Spokesperon Col. Francel Margareth Padilla na sa bilang na ito, 1,169 ang sumuko sa pamahalaan, 101 ang naaresto at 97 ang nasawi sa mga military operations.
Kasabay nito, 751 firearms at 237 anti-personnel mines ang isinuko at nakumpiska ng militar.
Samantala, iniulat din ni Padilla na nasa 176 miyembro ng local terrorist groups ang na-nuetralize ng pamahalaan.
124 rito ang sumuko, 46 ang nasawi sa pakikipaglaban sa mga tropa at 6 ang naaresto.