Sinisiguro ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian na gumagana ng maayos ang mga pumping station sa lungsod sa gitna ng masamang panahon.
Ngayong araw, nagsagawa ng on site nspection ang alkalde at tiningnan ang operasyon ng mga pumping station.
Ilan dito ang Nuestra Poblacion Pumping Station, Don Pedro Marulas Pump, Pasolo Open Gate, Pinalagad Santulan Operate, Palasan Pump, Tagalag Pump at iba pa.
Kabilang din sa ininspeksyon ng alkalde ang ginagawang Lingunan-Viente Reales Mega Pumping Station.
Ang proyekto na mayroong apat na submersible pump at floodgates ay pinondohan ng P400 Million.
Sa sandaling matapos ang proyekto ay inaasahang makakatulong ito sa pagpapaigting ng flood control sa Lungsod ng Valenzuela kasabay ng 24 na pumping stations.
Kasabay nito, binisita rin ng alkalde ang dalawang evacuation center sa Barangay Viente Reales na pinagkakanlungan ng 59 na pamilyang nagsilikas dahil sa baha. | ulat ni Rey Ferrer