Susubukan nang ilagay sa Close at Open Position ang inaayos na Navigational Gate sa Malabon-Navotas River sa Miyerkules, Agosto 21.
Ayon kay Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, hanggang ngayon ay may mga tinatapos pang pagsasaayos sa gate.
Masusubukan nila ito bago ang pagtaas ng lebel ng high tide sa susunod na linggo.
Kasabay nito ang pagtiyak ng alkalde na maayos ang operasyon ng mga pumping station sa lungsod.
Umapela din si Mayor Sandoval sa publiko na makipagtulungan sa local government unit (LGU) at iwasan ang pagtatapon ng basura kung saan na lang.
Nauna nang sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Ron Artes na target nilang maging fully operational ang Navigational Gate ngayong linggo. | ulat ni Rey Ferrer