Nagpapatupad ng limitadong operasyon ang Pasig River Ferry Service ngayong hapon.
Batay sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA, limitado lamang ang operasyon ng Pasig River Ferry Service mula Guadalupe hanggang Sta. Ana lamang at pabalik.
Ito ay dahil sa dami ng water hyacinth na nakaharang sa bahagi ng Napindan dockyard, kaya’t hindi makabiyahe ang mga ferry boat.
Tinatayang nasa 15 hanggang 20 tonelada na ng water hyacinth ang nahakot ng back hoe.
Pinapayuhan ang mga pasahero na manatiling nakaantabay sa MMDA Pasig River Ferry Service page para sa mga karagdagang anunsiyo.
Patuloy ang pagsisikap ng MMDA na malinis ang ilog at maibalik sa normal ang operasyon ng ferry service sa lalong madaling panahon. | ulat ni Diane Lear