P1,000 cash gift para sa mga lolo at lola sa Muntinlupa, pinabulaanan ng pamahalaang lungsod nito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Fake news ang hatol ng Muntinlupa Local Government sa impormasyong kumakalat tungkol sa cash na ipapamahagi diumano para sa kaarawan ng senior citizens.

Ayon sa Facebook post ng LGU, hindi totoong may P1,000 matatanggap ang mga edad 70 to 79 mula sa city government bilang pa-birthday.

Paalala ng lungsod, kung mayroon man kumuha ng impormasyon ito ay para sa validation ng datos ng  senior citizens.

Para anila ito sa mas maayos na database at tamang impormasyon na basehan ng mga programa ng lungsod.

Pinaalala rin ng LGU na para sa mga programa para sa senior citizen, maaaring makipag-ugnayan sa Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) sa Bayanan Baywalk o sa satellite office sa South Park Center.

Kabilang sa mga programang ito ang libreng gamot sa hypertension at diabetes, Handog Kalinga, Oplan Bisita sa bedridden, at iba pa. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us