Nasabat ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PDEG) ang kabuuang 48 milyong pisong halaga ng iligal na droga noong nakaraang buwan ng Hulyo.
Sa isang statement, sinabi ni PDEG Director Police Brig. Gen. Eleazar Matta na resulta ito ng 54 intelligence-driven operations, na binubuo ng 27 buy-bust operation, 4 na search warrant operation, 2 marijuana eradication operation, at 19 na service of warrant of arrest.
Sa mga nabanggit na operasyon, 61 drug personalities ang naaresto, at nakumpiska ang 5,389 gramo ng shabu, 232 piraso ng ecstasy, 640 gramo ng ketamine, 33,000 fully grown marijuana plants, 818.60 gramo ng dried marijuana leaves, at samut saring produktong marijuana.
Binati ni Matta ang mga tauhan ng PDEG partikular ang mga miymebro ng Special Operations Units sa iba’t ibang panig ng bansa sa kanilang accomplishment, na aniya’y malaki ang naitulong sa paglikha ng mas-ligtas at drug-free na komunidad. | ulat ni Leo Sarne