Mahigpit na binabantayan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang presensya ng China sa West Philippine Sea.
Sa pulong balitaan sa Kampo Aguinaldo, sinabi ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, RAdm. Roy Vincent Trinidad na batay sa pinakahuli nilang monitoring ay nasa 122 na ang bilang ng mga barko ng China.
Mas mataas ito ng 18 kumpara sa naitalang 104 na mga barko ng China noong isang linggo.
Gayunman, sinabi ni Trinidad na hindi pa rin ito nakababahala dahil mas kakaunti pa ito kumpara sa 159 na mga barko ng China na pinakamataas na bilang na kanilang namataan.
Dagdag pa ni Trinidad, bagaman nasa 3 libong ektarya na ang na-reclaim ng China sa buong South China Sea, wala naman silang namomonitor na bagong reclamation sites
Subalit tumangging magbigay ng sagot si Trinidad sa kung isang uri ng reclamation ang nakitang tambak ng mga coral sa Sabina shoal. | ulat ni Jaymark Dagala