Pinagpaplanuhang mabuti ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto kay Pastor Apollo Quiboloy upang hindi na maulit ang insidente noong June 10, kung saan ginawang human shield laban sa mga pulis ang mga babae at menor de edad na taga sunod nito.
Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo, kasabay ng pagsabi ang mga delaying tactic ng supporters ni Quiboloy ang isa sa mga dahilan kung bakit natatagalan ang paghain ng arrest warrant laban sa kontrobersyal na lider ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).
Sa ngayon, ani Fajardo, ikinokonsidera nila ang iba pang opsyon para maaresto si Quiboloy upang hindi na magkasakitan muli, at kanila naring pinaghahandaan ang magiging posibleng depensa ng mga supporter ni Quiboloy.
Matatandaang binunyag kahapon ni Davao Regional Director Police Brig. Gen. Nicolas Torre III, na positibo ang indikasyon na nasa loob parin ng KOJC Compound sa Davao ang puganteng si Quiboloy. | ulat ni Leo Sarne