Paglipat ng DOF sa “unused funds” ng GOCCs, suportado ng mga dating kalihim ng kagawaran

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ng mga dating kalihim ng Department of Finance (DOF) ang naging aksyon ng kagawaran na paglipat ng pondo ng “unused” funds ng government-owned and controlled corporations (GOCCs) upang pondohan ang mahahalagang programa ng gobyerno.

Ginawa ng mga former DOF Secretary ang pahayag sa gitna ng isyu ng paggamit ng ng “sleeping funds” ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Sa inilabas na statement, sinabi ng mga ito na magdadala ito ng kapakinabangan sa sambayanan, paglago ng ekonomiya, de kalidad na trabaho, at pagbawas sa kahirapan.

Anila, bilang mga dating kalihim ng kagawaran ng pananalapi, batid nila ang mabigat na responsibilidad ng DOF at hamon na makakolekta ng sapat na kita, upang makamit ang pangarap ng mga Pilipino.

Tiniyak naman ni Finance Secretary Ralph Recto, na bahagi lamang ng natutulog na government subsidy ng PhilHealth ang kanilang ilalaan sa iba pang proyekto, at handa silang sumunod sa anumang desisyon ng Korte Suprema hinggil sa isyu.

Kumpiyansa ang mga ito sa pamumuno ni Sec. Recto, sa pagangasiwa ng excess GOCC fund para sa benepisyo ng sambayanan. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us