Nananawagan ang Malacañang sa publiko na makinig sa payo ng mga eksperto at otoridad, kasunod ng naitalang mas mataas na presensya ng vog sa paligid ng Bulkang Taal (August 19).
Sa ambush interview sa Malacañang, sinabi ni PCO Asec. Joey Villarama na batid naman ng lahat na mayroong kahalong ash sa hanging na maaaring maging sanhi ng iba’t ibang respiratory at disease.
Dahil dito, pinagi-ingat ng opisyal ang publiko, partikular iyong mga resisdente malapit sa Bulkang Taal, na kung maaari, huwag na muna lumabas ng bahay.
“Alam natin may ash na nasa hangin po ngayon na nakaka-cause ng different diseases kaya nandoon po yung panawagan na magingat hanggang maari po kung hindi kailangan lumabas ng bahay, ay huway po tayo lumabas ng bahay. Iyong mga maga-aral po natin ay online classes po sila lalo na doon sa mga apektadong lugar.” -Asec Villarama.
Tulad aniya ng direktiba sa pamahalaan tuwing mayroong kalamidad, dapat na mapanatiling wala o mababa ang maitatalang casualty. | ulat ni Racquel Bayan