Personal na nagpaabot ng tulong si Agri Party-list Wilbert Lee sa mga pamilyang apektado ng oil spill sa Bataan dahil sa lumubog na MT Terranova.
Nagpaabot siya ng bigas na ipapamahagi sa mga apektadong residente
Nakipagdayalogo din si Lee sa grupo ng mga mangingisda at nagtitinda ng isda na nangangamba parasa kanilang kabuhayan
Dahil dito muling binigyang diin ng kongresista ng kahalagahan ng agarang tulong gayundin ang imbestigasyon sa isyu.
Una nang inihain ni Lee ang House Resolution 1825 upang malaman ang lawak ng pinsala ng oil spill, makapagbigay ng tulong at matikoy ang mga dapat managot.
“Maraming lumabas na reports na may mga smuggling activities, may paihi, na wala raw permiso na maglayag. Yan ang iimbestigahan natin, dapat malaman natin kung mayroon at sino ang mga kasabwat. Ang laki nitong mga barkong ito, paano naman ito maitatago?” sabi ni Lee
Kabilang sa nais tutukan ni Lee sa imbestigasyon ang certification ng mga vessel, seaworthiness at insurance ng ganitong mga barko, lalo na iyong mga nagdadala ng ganitong klaseng produkto na kapag naaksidente ay nakakasama sa kalikasan. | ulat ni Kathleen Forbes