Pasig LGU, magbibigay ng libreng sakay sa mga apektado ng tigil-pasada ng grupong MANIBELA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magkakaloob ng libreng sakay ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa mga maaapektuhang pasahero sa ikinasang tigil-pasada ng grupong MANIBELA, bukas.

Ayon sa Pasig LGU, bahagi ito ng kanilang contingency plan para alalayan ang mga pasahero na mahihirapang sumakay.

Gayunman, hindi pa tinukoy kung ilang bus ang kanilang gagamitin dahil nakadepende ito sa magiging sitwasyon bukas.

Kahapon, ilang pasahero na ang naapektuhan makaraang biglang tumigil sa pamamasada ang ilang miyembro ng MANIBELA partikular na ang rutang Pasig Palengke-Quiapo.

Subalit agad na nakaresponde ang local government para alalayan ang mga apektadong pasahero. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us