Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang turn over ceremony ng P782-M na halaga ng heavy equipment para sa National Irrigation Administration sa Mexico, Pampanga.
148 units ng heavy equipment gaya ng excavators, dump trucks, truck-tractors na may trailer ang ipapamahagi sa lahat ng NIA Regional Offices sa buong bansa.
Ang hakbang ayon sa Pangulo ay bahagi ng investment ng pamahalaan sa aspeto ng irigasyon sa harap ng tuloy-tuloy na commitment ng gobyerno sa pagsuporta sa sektor ng agrikultura.
Umaasa naman ang Chief Executive na sa mga kagamitang ipinagkaloob sa NIA ay makakatulong ito sa lalo pang pagpapaganda ng irigasyon at patubig sa buong bansa .
Kaugnay nito’y inihayag ng Punong Ehekutibo na P1-B ang nakalaan sa huli at 3rd tranche ng Refleeting Program ng NIA na ikakasa sa susunod na taon.
Disyembre ng nakaraang taon ay 141 mga excavators ang naging bahagi ng first tranche ng programa ng NIA. | ulat ni Alvin Baltazar