Iprinisinta ng Philippine Army ang kanilang “Personnel Readiness and Development Plan” sa review na pinangunahan ni Department of National Defense (DND) Undersecretary Angelito M. De Leon sa Philippine Army Officers’ Clubhouse, Fort Bonifacio, Taguig kahapon.
Kasama sa mga nakilahok sa review ang matataas na opisyal ng Phil. Army, sa pangunguna ni Phil. Army Chief Lt. Gen. Roy Galido, kasama si Army Chief of Staff Maj. Gen. Potenciano C. Camba.
Ang Personnel Readiness and Developmment Plan ay naglalayong mapahusay ang “responsiveness” ng Hukbong Katihan sa mga pagbabagong nagaganap sa pandaigdigang “security landscape”.
Ang plano ang magiging basehan ng iba’t ibang posisyon sa organisasyon at mga grado o ranggo na awtorisado para sa bawat posisyon. | ulat ni Leo Sarne
📷 Photo by Cpl Rodgen V Quirante PA/OACPA