Itutuloy parin ng Philippine National Police (PNP) ang operasyon para pagsilbihan ng arrest warrant is Pastor Apollo Quiboloy sa kabila ng petisyon para sa Writ of Amparo na inihain ng kampo ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).
Ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, ito ay maliban na lang kung paboran ng korte ang KOJC.
Paliwanag ni Fajardo, may outstanding warrant of arrest laban kay Quiboloy at pang-habang buhay ang “effectivity” nito hanggang sa maisilbi, o kaya’y mag-isyu ang korte ng “restraining order.”
Pero ang problema aniya ay kahit na walang inilabas na restraining order ang korte ay nahihirapan pa rin ang PNP na isilbi ang arrest order.
Sinabi naman ni Fajardo, na karapatan ng kampo ni Quiboloy na idulog sa tamang “venue” ang kanilang petisyon, at hahayaan na lang ng PNP ang korte na magdesisyon ukol sa kahihinatnan ng arrest warrant. | ulat ni Leo Sarne