Nagpadala na rin ng mga tuahan ang Philippine Red Cross (PRC) sa San Lazaro Hospital sa Lungsod ng Maynila.
Ito’y ayon kay PRC Chairman at CEO Richard Gordon ay para umalalay sa mga tauhan ng ospital bunsod ng dumaraming kaso ng Leptospirosis.
Kabilang sa mga ipinadala ng Red Cross ay ang karagdagang nursing staff, dialysis technicians, hospital beds at handa rin silang maglaan ng hospital tents sakaling kailanganin.
Giit ni Gordon, ang laban kontra Leptospirosis ay laban ng bansa at kailangang magtulungan upang tiyaking mabibigyan ng angkop na serbisyong medikal ang mga pasyente sa panahong ito.
Una nang nagpadala ng kanilang tauhan ang PRC sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI). | ulat ni Jaymark Dagala