Kinilala ni Philippine Army Chief Lt. General Roy Galido ang nagkakaisang commitment ng Philippine Army at Malaysian Army na i-complement ang kapabilidad ng isa’t isa, para sa pagsulong ng regional peace and stability sa mga miymebro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ang pahayag ay ginawa ni Gen. Galido kasabay ng pag-host ng Philippine Army sa ika-36 na Malaysia-Philippines (MALPHI) Working Group Meeting sa Headquarters ng Philippine Army, sa Fort Bonifacio, Taguig City kahapon.
Ang pagpupulong ay pinangunahan ni Phil. Army Assistant Chief of Staff for Plans, G5, Col. Benjamin L. Leander at Malaysian Army Operation and Training Branch Director General Brig. Gen. Isa Bin Daud.
Ang MALPHI working Group meeting ay taunang aktibidad na naglalayong palakasin ang kooperasyon at pagkakaibigan ng dalawang hukbo sa pamamagitan ng pag-develop ng medium-term bilateral activities at pagtalakay sa mga isyu na makabuluhan sa magkabilang panig. | ulat ni Leo Sarne
📷 Sgt Roel Isao and Cpl Rodgen P Quirante, OACPA