Nakatutok ngayon ang Philippine Navy sa pagtatanggol ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas gamit ang kanilang mga tinaguriang “Capital ships” o ang mga pinaka-malakas at pinaka-modernong barkong pandigma.
Kabilang sa mga “Capital ships” ang Jose Rizal-class frigates, ang Gregorio Del Pilar-class offshore patrol vessels, Emilio Jacinto-class patrol vessels, at Conrado Yap-class corvette.
Ayon kay Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad ang deployment ng mga nasabing barko ay alinsunod sa CADC o Comprehensive Archipelagic Defense Concept ng Department of National Defense.
Sinabi pa ng opisyal na mayroon ding “patrol plan” ang Naval Forces West, na bahagi ng pangkalahatang deployment plan ng AFP Western Command kasama ang iba pang government maritime agencies tulad ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR). | ulat ni Leo Sarne