PNP, inakusahan ang KOJC members ng pananakit sa sariling kasamahan at sa mga pulis

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mariing itinanggi ng Philippine National Police (PNP) na sila ang nanakit sa mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa pagpapatupad ng arrest warrant laban kay Pastor Apollo Quiboloy.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information Chief Police Colonel Jean Fajardo na may hawak silang video na nagpapakita ng mga miyembro ng KOJC na sadya umanong sinusugatan ang kanilang mga kasamahan para palabasin na pulis ang may kagagawan.

Ayon kay Fajardo, isinasailalim nila ang naturang video sa kaukulang proseso bago ilabas sa publiko.

Kasabay nito, itinanggi rin ni Fajardo na ginamitan ng tear gas ng mga pulis ang mga miyembro ng KOJC at sinabing, mga pulis din ang unang maaapektuhan ng tear-gas kung wala silang proteksyon.

Dagdag ni Fajardo, ang mga miyembro ng KOJC ang nagsimula ng kaguluhan sa pagpapatupad ng mga pulis ng batas na nagresulta sa pagkasugat ng pitong pulis, kung saan anim ang kinailangang isugod sa ospital. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us