Umaasa ang Phililippine National Police na susunod ding mahuhuli ng mga dayuhang awtoridad si dating Bamban Mayor Alice Guo at iba pang kasamahan nito.
Ang pahayag ay ginawa ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo sa pulong balitaan sa Camp Crame matapos kumpirmahin na nasa kustodiya na ng Indonesian immigration si Cassandra Ong at kapatid ng alkalde na si Shiela Guo.
Ayon kay Fajardo, ang pagkakahuli sa dalawa ay resulta ng koordinasyon ng Foreign Liason Division ng PNP sa pamamagitan ng mga Police Attache sa kanilang foreign counterparts.
Sinabi ni Fajardo na sa ngayon ay patuloy ang koordinasyon ng PNP sa kanilang mga foreign counterpart para i-monitor at matunton ang alkalde at iba pa niyang kasamahan. | ulat ni Leo Sarne