Umabot na sa 344,316 kahon ng family food packs (FFPs) ang natapos nang marepack sa nagpapatuloy na produksyon ng relief goods sa DSWD Main Warehouse sa Pasay City.
Ayon kay DSWD Spokesperson Asec. Irene Dumlao, nabuo ito sa tulong ng 9,000 volunteers na tumugon sa panawagan ng ahensya kasunod ng pagtama ng Bagyong Carina at Habagat.
“We would like to thank the volunteers who have responded to our call. We would not have achieved this big production without your help,” DSWD Asst. Secretary for Disaster Response Management Group (DRMG) Irene Dumlao.
Mula pa noong July 23, tuloy tuloy na ang pagdating ng volunteers sa National Resource Operations Center (NROC) para tumulony sa pagrepack partikular sa pagbundle ng food supplies, pagbuo ng food boxes, at packing.
Patuloy rin aniyang tumatanggap pa ang DSWD ng karagdagang volunteers. Kailangan lamang na tumawag sa contact person ng NROC na si Shara Lee sa numerong: 09260612646 at [email protected] for scheduling.
Samantala, as of Aug. 12, nasa kabuuang 1,217,148 boxes ng FFPs ang hawak ng DSWD at nakapreposisyon na sa ibat ibang warehouses at storage facilities nationwide.
Nananatili ring available ang nasa higit P350-M standby funds ng ahensya para tumugon sa mga apektado ng sakuna o kalamidad. | ulat ni Merry Ann Bastasa