Ginawaran ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil ng posthumous award na Medalya ng kadakilaan ang isang pulis na nasawi matapos barilin ng sinitang menor de edad noong Hulyo 27 sa Oakridge Barangay Banilad sa Mandaue City.
Ito’y nang personal na bumisita si Gen. Marbil sa burol ni Police Staff Sgt. Orvin Seth Lim Felicio, sa Sacred Heart Chapel, V. Jakosalem St., Cogon, Ramos, Cebu City, kahapon.
Nauna na ring ipinaabot ni Gen. Marbil ang tulong pinansyal sa pamilya ng nasawing pulis sa pamamagitan ng Public Safety Mutual Benefit Fund Incorporated (PSMBFI) ng Police Regional Office 7.
Bukod dito ay tatanggap pa ang pamilya ni Police Staff Sgt Felicio ng karagdagang benepisyo mula sa Armed Forces of the Philippines Savings and Loan Association, Inc. (AFPSLAI), Public Safety Savings and Loan Association, Inc. (PSSLAI), at sa National Police Commission (NAPOLCOM).
Samantala, nahuli din ang suspek ilang oras makalipas ang krimen at kasalukuyang nasa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Mandaue City. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of PNP-PIO