Pulis na sangkot sa kidnap for ransom at robbery extortion sa Malabon, arestado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Arestado ng pinagsabib na pwersa ng Malabon City Police Office, Northern Police District (NPD), Manila Police District (MPD) at Anti-Kidnapping Group (AKG) ang isang Pulis-Maynila na sangkot sa kidnap for ransom at robbery extortion sa Malabon City.

Sa ulat na nakarating sa Kampo Crame, may ranggong police corporal ang naaresto at napag-alamang nakatalaga sa Manila Police District-District Personnel Holding and Accounting Section.

Nabatid na Agosto 6 pa naaresto ang suspek sa loob mismo ng MPD Headquarters.

Ayon sa report, naplakahan ng mga testigo sa krimen ang kulay gray na getaway vehicle na ginamit ng mga suspek sa pagdukot.

Naberipika ang rehistro ng naturang sasakyan sa tulong ng Land Transportation Office (LTO) na natunton sa ikinasang follow up operations.

Sa tulong mula sa LTO, na-beripika ang rehistro ng sasakyan at pagdating sa follow up operation ay natunton ang isa sa mga suspek na napag alamang pulis pala.

Tinutugis pa ang ibang kasamahan ng Pulis na suspek na nahaharap sa kasong Kidnapping for Ransom with Serious Illegal Detention at Robbery Extortion. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us