QC, inactivate ang response protocol para mapigilan ang pagkalat ng mpox sa lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagana na ng Quezon City Government ang sarili nitong mga protocol sa pag-iwas, pagkontrol, at pagtugon laban sa mpox o monkeypox, kasunod ng naitalang unang kaso nito sa Pilipinas ngayong taon.

Taong 2022 nang mabuo ng QC LGU ang sarili nitong mekanismo sa pagtugon sa mpox.

Ang mga nars, doktor at mga medical personnel kabilang ang mga health care worker sa social hygiene at sundown clinic ay nakatuon sa pagkilala at paglaban tungkol sa virus.

May mga umiiral na ring mga protocol para sa pagpapadala ng mga specimen sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) gayundin ang isang referral system sa mga ospital. 

Ang Quezon City Epidemiology and Surveillance unit ay nag-organisa na rin ng isang Quick Response Team para sa contact tracing, at sa pagkuha ng mga sapat na personal protective equipment at iba pang logistical na pangangailangan para sa contact tracing.

Nitong Lunes, iniulat ng Department of Health (DOH) ang unang kaso ng mpox sa bansa. 

Pinayuhan ng local government ang mga residente na sundin ang mga health protocol na itinakda ng DOH kabilang ang wastong paghuhugas ng kamay at pag-iwas sa pakikipag-ugnayan sa mga taong nagpapakita ng sintomas ng mpox. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us