QCPD, nakaaresto ng higit 2,000 drug suspects hanggang Agosto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matagumpay na naaresto ng Quezon City Police District (QCPD) ang 2,167 drug suspects at P66,576,724 halaga ng illegal drugs ang nakumpiska mula Enero hanggang Agosto ngayong taon.

Ayon kay QCPD Director Police Brigadier General Redrico Maranan, resulta ito ng kabuuang 1,352 operasyon na isinagawa ng pulisya.

Nakakumpiska ang mga otoridad ng 9,554.49 gramo ng shabu at 12,846 gramo ng marijuana.

Sabi pa ni General Maranan, nananatiling determinado ang QCPD sa kanilang misyon na labanan ang iligal na droga at patuloy na magsasagawa ng matatag na operasyon upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng komunidad. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us