QuadCom, layong tumulong sa paglilinis ng mga tiwaling pulis at hindi siraan ang PNP ayon sa Bukdinon solon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanindigan si Bukidnon Representative Jonathan Keith Flores na layon lang ng isinasagawang imbestigasyon ng Quad Committee ng Kamara na matukoy ang mga tiwaling pulis sa institusyon.

Giit ni Flores, hindi siya naniniwala na ang Philippine National Police (PNP) ang pinakamalaking crime organization.

Gayunman hindi aniya makakaila na may ilang opisyal na gumagawa ng mali, batay na rin sa bilang ng kasong iniimbestigahan ng Department of Justice (DOJ) at PNP-IAS.

“I do not believe the entire Philippine National Police is the largest crime organization in the country. But there are a few thousands of corrupt police officers judging by the numbers of cases the DOJ and PNP IAS are investigating and prosecuting in courts…There’s also the continuing concern about police officers and AWOL arrested in law enforcement operations. Plus hazing in the PNP Academy.” paliwanag ni Flores

Sabi pa ng Bukidnon solon, na gusto lamang ng mga mambabatas na malinis mula sa impluwensya ng mga pulis na nanamantala at nang-abuso sa war on drugs ang pambansang pulisya.

Gayundin ay mahanap ang butas sa polisiya at batas kung paanong namanipula ang criminal justice system at law enforcers.

“We are helping the PNP clean house and identify the corrupt elements who did the illegal and inhuman policies about tokhang, POGOs, human trafficking, and drug trafficking. The Quadcom hearing is a Congressional investigation that will result in criminal charges, administrative dismissals, and convictions.” diin ng mambabatas | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us