Nagkasundo ang Philippine Red Cross, Spanish Red Cross at Navotas Local Government Unit para sa pagpapatupad ng isang proyekto.
Tinawag nila itong “Promotion of Green and Circular Economy sa pamamagitan ng Civil Society Engagement and Good Governance sa Highly Urbanized Coastal Cities sa Pilipinas”.
Ayon sa kasunduan,magiging key partner ng PRC at SRC ang Navotas LGU sa implementasyon ng proyekto sa mga barangay ng NBBS Kaunlaran, NBBS Dagat-Dagatan, NBBS Proper, at North Bay Boulevard North.
Ang proyekto na pinondohan ng European Union at Eibarko Udala ay inilunsad noong Disyembre 2022 na layong bawasan ang basura at magbigay ng kabuhayan.
Gagawin ito sa pamamagitan ng pagsusulong ng sustainable development at circular economy sa tatlong coastal cities sa bansa na kinabibilangan ng Zamboanga City, Manila City at Navotas City.
Target ng proyekto na maabot ang 200,000 mga benepisyaryo sa 2025 at masakop ang higit pang mga lugar.
Higit pa rito, binibigyang-diin ng proyekto ang pagbabawas ng paggamit ng single use plastics at ang reusing of materials. | ulat ni Rey Ferrer