Asahan nang madoble ang taunang ani at kita ng mga magsasaka sa Lawaan Eastern Samar matapos makumpleto na ang rehabilitasyon ng Communal Irrigation System.
Ayon sa Department of Agrarian Reform, sa tuloy-tuloy na suplay ng tubig sa buong taon, maaari ng magtanim ang mga magsasaka kahit sa panahon ng tag-init.
Opisyal nang i-tinurn over ang pamamahala ng P6-M nang natapos na proyekto sa Taguite Irrigators Association, Inc.
Ang proyekto ay ipinatupad sa dalawang phase at pinondohan ng DAR sa pamamagitan ng Agrarian Reform Fund.
Sinabi ni DAR Eastern Visayas Program Beneficiaries Development Division Chief Celso Cidro, prayoridad ng DAR ngayon ang mga interbensyon para sa patubig.
Makikinabang sa irrigation system ang 50 miyembro ng asosasyon, 38 sa mga ito ay mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs). | ulat ni Rey Ferrer
📷 DAR