Binigyang diin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kahalagahan ng mahusay na pagsasanay ng mga Reserve Officer Training Corps (ROTC) cadet para sa pambansang depensa.
Ang pahayag ay ginawa ni AFP Deputy Chief of Staff for Reservist and Retiree Affairs, J9, Major General Joel Alejandro S. Nacnac sa pagbubukas ng 5-araw na “Core Group Training for ROTC Administrators Mindanao Leg” sa 4th Infantry Division Clubhouse, Camp Evangelista, Patag, Cagayan de Oro City kamakailan.
Ang aktibidad na may temang “Empowering Tomorrow’s Leaders, Advancing Through Excellence,” ay naglalayong ihanda ang mga ROTC administrator upang epektibo nilang magabayan ang mga ROTC cadet sa kanilang pagsasanay at edukasyon.
Lumahok sa aktibidad ang 50 miyembro ng Reserve Force mula sa Philippine Army, Navy, at Air Force galing sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao na magsisilbing ROTC Administrators.
Sa kanyang panig, sinabi naman ni 4ID Commander Major General Jose Maria R Cuerpo II na ang pagsasanay ay magpapalakas sa kahandaan ng Reserve Force na rumesponde sa mga local at National Emergency. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of 4ID