Sumailalim na sa Receipt of Custody sa Senado si Shiela Guo, ang kapatid ni Ex Bamban Mayor Alice Guo.
Dumating si Guo sa Senado pasado 12:30 ng tanghali kung saan sinalubong ito ng mga tauhan ng Office of the Sgt. at Arms ng Senado.
Ayon kay Senate Sgt. at Arms Ret. Gen. Roberto Ancan, kasalukuyang sumasailalim sa inventory at medical check up si Guo para matiyak na nasa maayos na kalusugan ito.
Paliwanag pa ni Ancan na walang gadget na dala si Gguo at tanging cellphone lang ng senado ang maari nitong gamitin kung kailangan nitong makausap ang kanyang mga abugado o sino mang kaanak nito.
Kaugnay nito nagpasalamat din si Ancan sa maayos na koordinasyon sa pagitan ng iba’t-ibang law enforcement agencies ng pamahalaa . | ulat ni Lorenz Tanjoco