Binilinan ni Philippine Army Chief Lt. General Roy Galido ang mga bagong Battalion Commander na siguruhing handa ang kanilang mga tropa na tugunan ang anumang kumplikasyon sa nagbabagong kapaligirang panseguridad.
Ang pahayag ay ginawa ni Lt. Gen. Galido sa pagtatapos ng Philippine Army Battalion Commander Pre-Command Seminar sa Fort Bonifacio, Taguig.
Layon ng seminar na mabigyan ang mga bagong battalion commander ng kaalaman sa mga aktual na scenario at mga hamong kakaharapin nila sa kanilang pamumuno.
Paalala naman ni Gen. Galido sa mga battalion commander na ang tunay na sukat ng kanilang tagumpay ay hindi ang pagtatapos sa seminar, kundi ang pag-ani ng respeto at pasasalamat ng mga komunidad na kanilang pinagsilbihan sa pagtatapos ng kanilang panunungkulan. | ulat ni Leo Sarne
📷 Photos by Cpl. Rodgen Quirante PA/OACPA