Nakumpleto ng Office of the Presidential Adviser for Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) ang socio-economic profiling ng mahigit 2,000 dating miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF).
Sa isang statement, tinukoy ito ng OPAPRU bilang isang “milestone” para sa MNLF transformation program, matapos ilunsad ng OPAPRU ang program noong Setyembre 30, 2023, sa Lamitan, Basilan.
Noong 2023, nasa 1,705 dating mandirigma sa Mindanao ang nakinabang sa programa; at sa taong ito, 97 MNLF combatants sa Lamitan, Basilan at 161 MNLF combatants sa Lanao del Sur ang sumailalim sa validation, verification, at profiling process.
Ang huling batch ng MNLF members mula sa Lanao Del Sur na na-profile ay tumanggap ng transitional cash assistance na PHP45,000.00 at food packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Regional Office X at 25 kilo ng bigas mula sa OPAPRU.
Nanawagan naman si Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr. sa mga dating mandirigma na patuloy na suportahan ang prosesong pangkapayapaan sa pagitan ng MNLF at pamahalaan. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of OPAPRU