Kasabay ng mainit na performance ng Team Pilipinas sa Paris Olympics 2024, ay sinimulan naman ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang kick off ceremony para sa gagawing 2024 Philippine National Skills Competition (PNSC) sa Worid Trade Center sa Pasay City na bahagi ng upcoming 30 Anniversary Celebration nito.
Ang mismong skills competition ay gagawin mula August 21 to 25, kung saan mahigit sa 200 competitors nationwide ang tinipon para lumaban sa ibat ibang skill areas.
Kabilang sa nasabing mga kumpetisyon ay ang Cybersecurity, Information Network Cabling, IT Network Systems Administration, IT Software Solutions for Business, Web Technologies, CNC Maintenance Electronics, Carpentry, Mechatronics, Welding, Cabinet Making and Cooking
Meron ding Hotel Reception, Plumbing and Heating, Hairdressing, Wall and Floor Tiling, Mechanical Engineering CAD, Restaurant Service, Refrigeration and Air Conditioning. Beauty Therapy. Bakery, Electrical Installations. Fashion Technology, Graphic Design Technology, and Automobile Technology.
Ayon kay TESDA Director General, Secretary Suharto T. Mangudadatu, ang nasabing kumpetisyon ay magsisilbing platform para ma recognize ang exceptional skills ng mga batang industry workers ay graduates mula sa ibat ibang technical vocational schools at training centers
Paliwanag pa ng opisyal na ang kanilang misyon sa TESDA ay makapag provide ng world-class skills at training para lalong mapagyabong ang indibidwalna maabot ang kanilang fullest potential. | ulat ni Lorenz Tanjoco