Aabot 3,000 mga local executives ang dumalo sa ikinasang Local Governance (LG) Summit 2024 ng Department of Interior and Local Government o DILG.
Layon ng summit na paigtingin ang ugnayan at kooperasyon sa pagitan ng mga local at national government officials.
Ayon kay Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos, hangad ng summit na lalo pang mapahusay at mapalakas ang kalidad ng serbisyo na ibinibigay ng mga LGU sa mamamayan.
Kabilang sa tampok rito ang mga session sa digital transformation; smart urban infrastructure; at design; climate at disaster resiliency.
Tatalakayin din ang social protection; peace and order; transparency and accountability; at people’s participation.
Itinatampok din ang ang best practices sa teknolohiya at inobasyon; at sisikapin ng mga delegado na mabuo ang pagtutulungan at network ng mga pamahalaang lokal para sa pagpapalitan ng kaalaman
Punto ni Sec. Abalos, ang summit ay tugon sa direktiba ni Pangulong Marcos, Jr. na paigtingin ang pagtutulungan sa pagitan ng lokal at nasyunal na pamahalaan. | ulat ni Merry Ann Bastasa