Naniniwala si Transportation Sec. Jaime Bautista na hindi makakaparalisa sa pampublikong transportasyon ang ikinasang panibagong strike ngayong araw ng grupong Manibela.
Ayon sa kalihim, sanay na ang publiko sa banta ng transport strike at kahit noon ay hindi naman gaanung nakakaapekto ito.
Ito ay dahil gumagana na aniya ang public transport modernization program kung saan 83% ng mga transport operators at drivers ang kaisa na sa programa.
Katunayan, dahil nasa ilalim na ng transport cooperative ang karamihan sa mga pumapasada sa Metro Manila ay mas maayos na ang sistema gaya ng dispatching.
Kasunod nito, muling ipinunto ng kalihim na tuloy ang crackdown ng pamahalaan sa mga unconsolidated PUVs at tuloy rin ang usad ng modernization program. | ulat ni Merry Ann Bastasa