Veterinarian ng San Juan City Animal Pound at 3 iba pa, sinuspinde kasunod ng pagkamatay ng mga hayop noong kasagsagan ng Bagyong Carina

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinuspinde ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang city veterinarian at tatlong iba pa kasunod ng pagkamatay ng mga hayop sa San Juan City Animal Pound noong kasagsagan ng Bagyong Carina.

Sa isang pahayag, sinabi ni Mayor Zamora na inirekomendang kasuhan ng City Legal Department ang City Veterinarian at tatlo pang ibang empleyado matapos ulanin ng batikos ang nangyari sa kulungan ng mga hayop.

Tuluyan na rin umanong inalis sa pwesto ang isang job order employee ng lungsod dahil sa nag-viral na insidente.

Matatandaang umapaw ang San Juan River noong Bagyong Carina, pero hindi nailikas ang mga nakakulong na hayop sa katabi lamang nitong animal pound.

Sinabi pa ng alkalde, na ililipat ang animal pound mula sa dati nitong pwesto sa Brgy Batis para matiyak ang kaligtasan ng mga mare-rescue na mga hayop gaya ng mga aso at pusa. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us