Arestado ng Parañaque City Police ang tatlong Chinese nationals na sinasabing nasa likod ng kidnapping sa isang female Vietnamese national.
Ito ay matapos ang isang coordinated operation sa isang residential resort sa Barangay Tambo, Parañaque City.
Ayon sa report ng Southern Police District (SPD), kinilala ang biktima na si Lang, isang 23-year-old na Vietnamese tourist.
Ligtas itong na-recover ng mga otoridad sa naturang operasyon.
Kinilala naman ang tatlong suspek na sina alias Jun, 31 Hao, 27; at Zhang, 26 na pawang private employees at Chinese nationals.
Ayon sa report ng SPD, natunton nila ang biktima matapos makatakas ito sa mga suspek at makapagsumbong sa isang securtiy personnel ng nasabing lugar na siyang tumawag sa otoridad.
Base umano sa kwento ng biktima negosyante sya dito sa bansa sa pamamagitan ng money exchange.
Aniya, nakatanggap siya ng tawag mula sa mga suspek na makipagkita sa isang condo para palitan ang mga Vietnamese dong nito at gawing Philippin peso.
Nang puntahan niya ang napag-usapang lugar ay dito na siya pinagbantaan ng mga suspek na papatayin.
Maliban sa physical na pang-aabuso ay kinuha din ng mga suspek ang mga alahas, cash at gadgets ng biktima.
Nilimas din ng mga suspek ang laman ng online bank account ng biktima na umaabot umano sa P20 million.
Nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso ang mga suspek kabilang ang robbery, grave coercion, illegal detention, at paglabag sa Republic Act (RA) 10591 at RA 9165. | ulat ni Lorenz Tanjoco