₱14-M reward sa ‘tipster’ na nagturo sa kinaroroonan ni Pastor Apollo Quiboloy at 4 na iba pa, ibibigay ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na kanilang ibibigay ang ₱14-na milyong pisong reward sa impormanteng positibong nagturo sa kinaroroonan nila Pastor Apollo Quiboloy at apat na kapwa akusado nito.

Iyan ay matapos ibinunyag ng PNP na ang naturang “tipster” ang siyang nagsilbing daan upang matuldukan na ang nasa humigit kumulang na dalawang linggong operasyon ng Pulisya sa Kingdom of Jesus Christ compound sa Davao City.

Sa pulong balitaan sa Kampo Crame, sinabi ni PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo na lumutang ang naturang “tipster” noong Biyernes, September 6, 2024, at itinuro ang eksaktong kinaroroonan nila Quiboloy.

Dahil dito, magpupulong sina Interior Secretary Benhur Abalos Jr., PNP Chief Police Gen. Rommel Francisco Marbil, at Davao Regional Police Director, Police Brig. Gen. Nicolas Torre III para talakayin ang pagbibigay pabuya. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us